sometimes it just pisses me off how we, educated people, cannot seem to stop complaining and complaining, ranting and ranting about the sorry situation of our country. we are pretty much contented to just air our opinions over the dinner table, having heated debates in the expensive cafes.
pero meron akong tanong sa inyong lahat na sana'y pagnilaynilayan ninyo: SATSAT TAYO NG SATSAT PERO MERON NA BA TAYONG NAGAWA PARA SA ATING BANSA??? MERON NA BA TAYONG NAGAWA PARA SA ORDINARYONG MASANG PILIPINO???
oo nga, estudyante lamang tayo. wala nga tayong kapangyarihan tulad nilang mga politiko, mga artista, mga mangangalakal. pero hindi niyo ba naisip na meron tayong natatanging kapangyarihan. tayong nakakaligo, nakakapag-deodorant at nakakapagpabango. tayong nakakakain ng higit pa sa tatloong beses sa isang araw. tayong nakakabili ng mga mamahaling damit at gadgets. tayong mga edukado. tayong hindi mangmang. tayong nakakaintindi sa takbo ng ekonomiya. tayong nakakaintindi sa takbo ng gobyerno. tayong nakakaintindi sa sitwasyon ng ating bayan.
hindi ba natin naisip na tayong mga edukado, tayong mga satsat ng satsat ay walang ginagawa para sa bayan. nagsasayang lamang tayo ng ating laway. habang ang ating mga kababayan ay lalong pinagdurusahan ang hagupit ng kahirapan, hindi man lang natin na isip na tayo rin ay nakakadagdag sa problema ng lipunan dahil wala nga tayong ginagawa. dada na lang ng dada. puro salita walang aksyon.
nagbubulagbulagan ba tayo? naglolokohan lang ata tayo. naggagaguhan. paglabas na paglabas natin ng pintuan ng mga magagara nating bahay ay maaamoy, makikita at maririnig mo ang kahirapan ng Pilipino. habang tayo'y nagpapakalunod sa ating mga luho, sila'y patuloy na naghihirap.
masisisi ba natin sila? oo at hindi. oo dahil tila hindi sila nagtatrabaho upang umunlad ang kanilang kalagayan, tila puro na lang bisyo ang inaatupag: alak, droga, sugal, babae. Parang hindi sila nagsisikap upang maiangat ang kalagayan nila. ngunit hindi rin natin sila masisisi dahil wala silang nakikitang pag-asa. Naisip nila na habang buhay na lang sila mananatiling mga dukha. Para sa kanila ang mayayaman ay patuloy na yayaman at ang mahihirap ay patuloy na hihirap.
Tayong mga edukado, ang mga “masnakakaalam”, ay may responsibilidad sa kanila, sa mga kababayan nating nasa daan, nasa slums at squatter areas. Kahit tayo’y mga estudyante lamang ay marami tayong magagawa para sa kanila.
Isang halimbawa ang isang student organization sa UP Diliman, ang ICTUS (In-Christ Thrust for University Students). Sila’y mga estudyante rin tulad natin pero meron at marami silang nagagawa para sa mga kababayan natin, para sa bayan natin. Tuwing sabado, sila’y nagtuturo sa mga bata sa payatas. Sila rin ay nagpapaaral ng mga elementary, highschool at college students, mga scholars. Sila’y mga estudyante rin tulad natin. Meron at marami silang nagagawa. Binibigyan ng pag-asa ang mga mahihirap. Ibinahagi nila ang kanilang oras, pera at kaalaman sa mga kababayan nating tila hindi makaangat sa kalayan nila. Hindi lang sila ang organisasyon na ganito, marami pang organisasyon na ganito na naglipana sa ating bayan ngunit hindi lang natin sila binibigyan ng pansin, hindi binibigyan ng suporta.
Kung talagang gusto nating makatulong sa bayan ay magagawa natin ito. Hindi mo kelangan maging isang politiko, artista o mangangalakal upang makagawa ng mga bagay para sa ating bayan. Simple lang naman ang ating dapat gawin, onting sakripisyo lang. Sa bawat hithit ng sigarilyo, sa logo o ringtone o icon na dina-download natin, naisip ba natin na maaaring naging pangtawid gutom na iyan? Sa mga mamahaling bag, make-up, damit o sapatos na binibili natin linggo lingo, naisip ba natin na maaaring naging tuition fee na iyan o isang buong wardrobe nila o pang-ayos ng barong barong nila? Hindi ba natin naisip sila, silang mga Pilipinong tulad natin, ay nangangailan ng tulong nating mga edukado??? Bakit hindi natin sila tulungang iangat ang sarili nila sa kahirapan? Kung hindi niyo naintindihan, I-ingles natin: Why can’t we even try to help the poor help themselves???
I pose this challenge to us all. If we really love, care and want to uplift the sorry situation of our beloved country, let us stop them discussions and, by George, DO SOMETHING!!! Let us stop the vicious cycle. Let us change the way things are going for our country. There are a million little corners in this country, wherein our fellow Filipinos are groping in the dark. Find that little corner of yours and shine!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home